Tuliro ako nitong mga huling araw, minsang tumawag si tart sabi sa akin bumalik na lang daw uli kami doon sa kinaroroonan niya…huwat???? hindi sa ayaw ko in fact masaya ako kasi magkakasama na uli kami day and night, rain or shine, for better or for worse…aba masarap kaya ang may kayakap at katabing matulog sa gabi di ba?..mga married diyan ‘di ba? uy, aminin! kaya lang ang dami ko na namang ikonsidera…sabi ko teka lang teka lang, sabay pito…paano ang ganito, paano ang ganyan? Paano ang bahay? paano ang sasakyan? paano…paano…marami akong tanong sabay pito rin siya hep!…hay, pag usapan pa namin uli. Kaya nag-iisip na ako kung paano. Akala ko ganoon lang kadali umalis uli, kaya lang ibang case na ngayon. At saka I’m waiting for something, sana maging maganda ang resulta at kayo ang una kong sasabihan… wish me luck!
Noong isang araw nang sinabi niyang magpabook na kami for summer vacation,saka ko lang nakita expired na pala ang passport ng girlilet ko, ahahay! puro kasi blogging ang inaatupag ko kaya ayan hehe.
For the meantime, saka ko na lang isipin uli ang mga dapat isipin (ang labo ko ‘no?) basta yun na yun.
heto muna ang pinagbalingan ko, foods! minsan sa gitna ng tagtagan namin ni shakoni nagpapaalam ako sandali kasi eto ang pinagkakaabalahan ko.

chocoalanona…

nonakoni muffinsky….
my cheesecake!
Puro kasi inumin ang handa sa blogwarming ko, and since kumain na kayo from Ghee’s housewarming party, the desert is mine kaya heto with my personal touch, direct from my oven. para sa inyo…cheers!

