kakikayan blah!

Posted by nona | blah blah | Monday 26 February 2007

Nope, hindi kayo naligaw. you’re heading to a right direction :) Although my house is still under renovation you are welcome to chill here. My interior designer shakoni’s figuring out what finishes is perfect for my roofing. A big hug to you and to mamakoni for helping me. Thanks to both of you.
kung uso ang palitan ng theme sa blog, well..hindi rin nagpahuli ang cellphone ko marami na kasi siyang gasgas, balak ko sanang palitan ng new case but the original cost a lot, almost P6,000 rin so instead I had it Gmasked na lang. Tada!

hindi na obvious ang mga gasgas niya, 6thou over 1,600? siyempre doon na ako sa mura :) kuripot!
If you want a more blingy look they can put swarovski stones of your choice, siyempre with extra charges iyon, ang arte ‘no? :-P

Wala lang akong maisip na ipost sa mga sandaling ito, puno naman ang utak ko kaso sa ibang bagay yehey! dumating na ang hinihintay ko at magiging busy ako sa mga susunod na araw. Reserve ko na lang for my next post. promise ;-)

Bata batuta…?

Posted by nona | friendship, opinion | Monday 19 February 2007

“mommy, you know what? I was asked by lynette not to befriend and talk to krissy” my daughter Joy told me. sabi ko bakit daw? “eh kasi nakipagfirst kiss na daw si krissy eh.” muntik na akong matawa, :) kaso pinigilan ko. “lynette is krissy’s bestfriend, pero kinausap ko pa rin si krissy, wala naman akong pakialam doon kung galit si lynette sa kanya di ba, why should I ?”
Hay mga bata talaga, on the other hand…tama nga naman, hindi naman kasi puwedeng kapag kagalit ng kaibigan mo ang isa kailangan galit ka na rin.
It reminds me of my friends sa department namin when I was working in Makati. Nagkaroon ng alitan ang dalawa sa mga kaibigan ko and I was torn between the two, kanya kanya silang version ng kuwento I tried my best to fix them kaso walang nangyari, :( ang mahirap eh, gusto ng bawat isa maging kagalit ko na rin yung isa. They hated me for not doing so, for me it’s too shallow, we’re not kids anymore…anong laro iyan? bata batuta samperang muta? uy laro tayo huwag natin siya bati…something like that? Wala akong kinampihan sa kanila and I ended up losing them both, no regrets…dahil mas nakahinga ako ng maluwag afterwards. :)

Posted by nona | random thoughts | Tuesday 13 February 2007

oo okay…alam ko araw ng mga puso ngayon, oh eh ano? wala naman iyon sa akin. *silence* :( waaaa!!!! wala ang ka-date ko.  hmm, seryoso na…okay lang naman promise :) everyday’s a valentines day naman para sa amin, eh. Greet ko na lang kayo ng “Maligayang araw ng mga puso!”
Hiatus mode ako for two weeks, pero feeling ko two years na. Ganoon na pala ang effect sa akin ng blogging? Nasira system ng lappie ko, but before that one of my email Pw was hacked, good thing nadiscover ko agad. Natakot ako, hub told me baka dahil daw sa blogging and he advise me to stop. I didn’t argue with him kasi nga hindi ko rin sure kung paano at sino.. maybe it’s because of my careless attitude na rin. Then I saw in TV patrol news last week regarding password hacking and it’s possible pala. Mabuti na lang I don’t use internet for my banking and important transactions.

Alam ni hub that blogging was a part of my daily routine na, and guess what? hindi niya ako natiis last saturday pinadala niya sa akin ang lappie niya :D oh di ba ang saya? naisip niya siguro baka puro malling lang ang gagawin ko aba mas magastos yata iyon. :-P

I was tagged by monica…eto ang tagay na nakakalashing *hik* sis monic, cheers!
sampung kaweirduhan ko, teka sampu lang ba? marami ako niyan at kulang yata ang sampu :)


1. hindi ako makatulog kapag hindi ako nakapagmidnight snack (weird ba yun?)
2. kapag nagagalit ako nagsasalita akong mag-isa (ups, yun ang delikado )

3. takot ako sa palaka (i consider it weird kasi yung iba cute na cute sa kanya)
4. gustong gusto kong hinahawakan buhok ni hub sa kili kili. (in fairness, mabango ha)

5. kumakanta akong pasigaw sa loob ng sasakyan kapag nag-iisa

( di naman kasi ako maririnig eh, kaya oks lang nyahahaha!)

6. wala na akong maisip…hmmm.

7. sana matapos na…

8. dalawa pa?

9. yehey!

10. hay, salamat tapos na.

Happy valentines to all :D and of course Happy happy birthday to Ghee and Tina! xoxo

Posted by nona | family | Friday 2 February 2007

Napadaan ako sa Philippine Heart Center ng umagang iyon, nakita ko sa fire escape ng hospital si Bobbel, kapatid kong lalaki. Bakit nasa fire escape siya? bakit suot suot niya ang paborito kong short na kulay itim? Nakangiti siya sa akin, ang aliwalas ng mukha niya na tila may kung anong liwanag na nakapalibot sa kanya. Tinawag niya ako…ang layo niya pero bakit naririnig ko ang sinasabi niya? tinanong niya ako “saan ka pupunta?” Sabi ko sa kanya “papunta akong Quezon City hall”. sabi niya “daan ka muna”.

Ang lakas ng tunog ng alarm clock, nagising ako! Nakakatamad pumasok sa opisina ng araw na iyon, ngunit kailangan kong pumasok dahil 4 months pa lang ako sa company at may deadline ng mga plano na kailangang tapusin para maikuha ng building permit para sa isang kliyente naming nagpapagawa ng bahay. Sobrang tamlay ng katawan ko ng mga oras na iyon, nawawala ang konsentrasyon ko sa aking ginagawa ngunit natapos ko pa rin kahit papaano. Naisipan kong mag-undertime at umuwi muna bago pumunta ng hospital.

Nasa harapan pa lang ako ng bahay ay sinalubong na ako ng pamangking kong babae, sabi niya wala na raw si Bobbel. Binawian na raw ng buhay kaninang alas otso ng umaga. Parang hindi nagregister sa akin ang mga sinabi niya, tuloy tuloy akong pumasok ng bahay. Tahimik, walang tao. Nanlambot ako at napaupo sa sopa , saka lang rumihistro sa utak ko ang mga narinig ko kanina. Wala na si Bobbel! Namatay na ang kapatid ko? Nakakatulig, nakakapanghina, ang hirap tanggapin.

Bata pa kasi siya, magte-twenty two pa lang siya noon. Hindi siya naratay, wala siyang karamdaman. karaniwang lagnat lang ang dumapo sa kanya sa unang araw. Nang hindi pa rin bumababa ang lagnat dinala siya ng father ko sa east avenue medical center nang pangalawang araw at hindi raw ma-diagnose kung ano ang sakit ng kapatid ko at ipinalilipat ng Phil. heart center on his 3rd day…then the following day, he passed away.

Nakakabigla ano? nakakalungkot, very painful ang pagkawala niya..biglaan at iyon ang unang pangyayaring nawalan kami ng mahal sa buhay. Nabasa ko kasi ang post ni rho tungkol sa sister niya kaya naalala ko rin ang mga pasaway namin, Kakulitan ko rin kasi ang brother ko, kaaway ko rin noong bata pa kami. Palibhasa’y magkasunod lang kami kaya nag-aagawan kami sa atensiyon ng mother ko at siyempre bunso kaya dapat akin lang ang nanay ko. Noon iyon. Nitong malalaki na kami super alaga niya ako. five days bago siya nawala, magkasama kaming tatlo ng ate ko sa cubao…humingi siya ng sampung piso sa ate at ibinigay niya sa akin ang limang piso. Nagtaka ako, tinanong ko siya kung para saan iyon? Sabi niya wala lang, itago ko raw. Nang mawala siya saka ko lang naisip na naglalambing na pala siya noon at siguro nga premonition na mawawala na siya. Habang tina-type ko ang post na ito nangingiti ako pero tumutulo ang luha ko. huu..buti na lang tulog na ang mga kasambahay ko kung hindi baka sabihin naloloka na ako. Wala lang namimiss ko lang siya.