Four weeks more to go, it’s election time in Pinas. Who will be the next president of the Philippines? A big question mark that most of us Filipinos were asking. Sino nga kaya? Ano kaya ang naghihintay sa atin after the said election? Magiging worst kaya? Or mas worst? or for the better na. Dadaanin ko na lang siguro sa prayer. I hope God will give us the right one. At sana tulong tulong na lang ang mga mamamayang pilipino mapabuti at maayos ang Pilipinas, minsan naman kasi kahit sino pa ang nakaupo may magawang mabuti or wala…may nasasabi pa rin ang mga tao. Ika nga eh, you cannot please everybody…kunsabagay kahit naman sa ibang bagay. Never pa akong nakapag vote sa presidentiable, wala ako palagi sa Pilipinas para akong ibong gala at wala sa sariling pugad. Kasama na rin doon ang disappointment sa mga past elections. Kung kailan feel na feel kong mag vote hindi naman ako pupwede, sayang din ang 1 point ko. Iisang presidential candidate lang ang nakitaan ko ng capability. Very simple , focused and a gentleman fighter. Intelligent and desente, never na nakipagbatuhan ng trashy words sa opponent, unlike other candidates na daig pa ang mga palengkera kung makapagsalita, parang mga batang nagbabangayan…oh my gulay! Kahit matalo man siya, okay lang sa akin…no regrets at least pinili ko ang kandidatong pinaniwalaan ko. Sana lang makaboto ako.
Excited na nakakakaba, lalo na siguro sa lahat ng mga kandidato…I’m sure marami na sa kanila ang hindi na nakakatulog ng mahimbing, I remember my uncle who ran as a Mayor…he didn’t bring the bacon home. After the election he suffered from a heart attack sa sobrang stress, anxieties etc. Na-coma and he died. Same thing happened to Dindo Fernando (the actor)…tsk. Anyway, God bless Philippines.